Lunes, Agosto 13, 2012

refleksyon log sa akdang "ang guryon" ni IIdefonso santos

ang natutunan ko dito ay dapat huwag tayong sumuko sa lahat ng problemang  dumating sa buhay natin at maging matapat tayo sa lahat ng oras para kapag mayroon  tayong laban,ang nagwawagi ay ang pusong marangal. 

ang guryon ni IIdefonso santos

Biyernes, Agosto 3, 2012

ang akdang "kuwento ni mabuti"

               

ang akdang "jaguar"

                                    

refleksyon log sa prinsipyo ng paliguy-ligoy

natutunan ko dito ay kaya pala ang isang  kuwento ay nagiging isang nobela dahil sa  sa prinsipyo ng paliguy-ligoy dahil dito binibitin niya ang pagpapahayag ng mga sentral na akda.at nagagawa ito sa pamamagitan ng iba pang mga karanasan na bagama't walang hayagang katuturan sa pinakabanghay ng kuwento ay nakakatulong naman upang maging matingkad at masining ang akda.

releksyon log sa buhay ni rizal

natutunan ko dito ay yung huwag basta-basta husgahan ang isang tao dahil hindi pa natin alam ang lahat-lahat kaya dapat alamin muna natin ang isang bagay bago tayo manghusga sa ating kapwa.

refleksyon log sa "walang panginoon"

ang natutunan ko dito ay dapat huwag natin gantihan ang taong nakagawa ng kasalanan sa iyo dahil kung gaganti ka puro pasakit at kasakiman ang gagawin mo sa iyong kapwa at ikaw pang maituturing na masama kung gagawin mo iyon  .ang dapat natin gawin ay magdasal at sabihin sa panginoon na siya na ang bahala sa taong nakagawa ng masama sa kanyang kapwa.

refleksyon log sa "kuwento ni mabuti" ni genoveva e. matute

natutunan ko ay dapat damayan natin ang taong may problema upang masabi niya ang totoong nararamdaman niya at para gumaan ang kalooban niya.at kapag nangyari iyon,makakatulong tayo saating kapwa at gagaan ang ating pakiramdam.

refleksyon log sa "luha ng buwaya"

maang natutunan ko sa akdang ito ay kung tayo'y mahirap o mayaman dapat isipin ang pantay-pantay na karapatan dahil kung aapihin mo ang isang tao,babalik sayo ang ginawa mo sa kapwa mo at dito mo maiisip na magsisi at humingi ng tawad sa taong ginawan mo ng kasalanan.

refleksyon log sa aside,monolog,at soliloquy

ang natutunan ko ay kung ano ang ibig-sabihin ng aside,monolog,at soliloquy.ang aside ay salitang binibigkas ng mahina na ang nakaririnig lang ay isang tao oisang grupo at ito ay hindi naririnig ng ibang mga kasama.ang monolog naman ay ang madamdaming pagpapalitan ng sinasabi ng isang aktor na nag-iisa at walang ibang tao sa tanghalan.at ang soliloquy naman ay aktor ang nagsasalita sa sarili at sinasabi ito ng malakas.at hindi ito naririnig ng iba pang tauhan na nagsasalita.

refleksyon log sa "ang pag-ibig ni emilio jacinto"

sa akdang ito pinag-usapan namin ang tungkol sa pag-ibig.pag-ibig sa kapwa,kaibigan,pamilya,bayan,at kaaway.kung walang pag-ibig hindi magkakaisa ang mga tao at hindi magkakaroon ng kapayapaan sa ating bayan.kaya natutunan ko dito ay mahalin ang ating sarili  bago ang ating kapwa upang nang sa ganun ay magkaroon ng kapayapaan sa ating bayan.